“PANGAKO! E sha-share ko sa inyong lahat ang kwento ng buhay ko kapag napag tagumpayan ko na lahat ang mga hirap at pagod, mga sakripisyo, mga problema, lungkot, takot, mga pangamba basta lahat ng mga yan na pinagdadaanan ko ngayon. Hanggat buhay pa ako hinding-hindi ako susuko, lalaban at tutuloy parin ako sa buhay basta’t hindi ka lalayo sa Diyos,kakapit, manalig at ipagkakatiwala sa kanya ang lahat. Walang impossible sa possible eka nga nila. “Actually guys marami akong mga pinagdadaanan ngayon sa buhay sa sobrang stress ko halos ma depressed na ako pero lumalaban parin ako kasi alam ko, na ang lahat ng mga nangyayari o pinagdadaanan ko ngayon ay part sya sa pagkamit ng mga pangarap ko. Never akong nag open o nag share sa pamilya ko ng lahat ng nangyayaring problema sa akin tungkol sa takbo ng pinapasukan kong trabaho ngayon. Lahat tinatago ko lang sa kanila, kasi ayokong mag-alala sila sa akin. Marami akong mga katanongan sa sarili ko na hindi ko kayang sagutin. At bigla ko nalang na realize na “There’s no need to rush pala, kasi kung ang bagay na iyan ay para sayo, ibibigay yan sayo sa tamang panahon, Sa hindi mo inaasahang pagkakataon. There’s no delay in God’s perfect timing, but if for you it is delay, there is on time! Kaya magtiwala lang darating at dadating din yan kung ready na ang lahat char!!
